Seguridad sa Metro Manila ngayong papalapit na Semana Santa, pinaghahandaan na ng NCRPO

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naghahanda na ang National Capital Region Police Office o NCRPO sa paglalatag ng seguridad sa darating na Semana Santa.

Ayon kay NCRPO Spokesperson P/Lt. Col. Luisito Andaya, aabot sa 4,690 na pulis ang kanilang ipapakalat sa buong National Captial Region mula April 6 hangang April 9.

Ipapakalat ang mga ito sa 300 simabahan sa buong Metro Manila upang masiguro ang seguridad ng mga deboto sa darating na holy week.

Dagdag pa ni Andaya na isa rin sa kanilang tututukan ang mga transport terminal, pantalan at iba pang pampublikong lugar.

Muli namang siniguro ng NCRPO sa publiko na mananatiling naka-alerto ang kanilang hanay para sa pangkalahatang seguridad sa buong Metro Manila. | ulat ni Arrian Jeff Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us