Sen. Bato dela Rosa, tanggap nang di makakaabot sa plenaryo ng Senado ang panukalang cha-cha

Facebook
Twitter
LinkedIn

Aminado si Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa, na hindi makakaabot sa plenaryo ng Senado ang panukalang charter change (cha-cha), dahil sa kakulangan ng suporta mula sa mga kapwa senador.

Ayon kay Dela Rosa, alam na nilang silang apat na senador lang na miyembro ng Partido Demokratiko Pilipino Lakas ng Bayan (PDP-Laban) ang nakasuporta sa panukalang cha-cha, bilang ito na ang official stand ng kanilang partido.

Kabilang sa apat na PDP-Laban (Duterte faction) members sa senado sina Dela Rosa, Senador Robin Padilla, Sen. Christopher ‘Bong’ Go, at Sen. Francis Tolentino.

Aniya, nakuha na nila ang sentimyento ng mga kapwa nila senador tungkol sa panukalang charter change.

Sa kabila nito, naniniwala si Dela Rosa na hindi nasayang ang ginawang mga pagdinig at public consultations ni Senate Committee on Constitutional Amendments tungkol sa panukalang economic cha-cha.

Ipinahayag rin ng senador ang paghanga nito sa dedikasyon at hindi pagsuko ni Padilla sa pagsusulong ng kanyang adbokasiya.

Aniya, sa ngayon ay natututunan pa lang ng neophyte senator na hindi sa lahat ng pagkakataon ay makukuha ang suporta ng Senate Majority bloc. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us