Suportado ni Senador Christopher ‘Bong’ Go ang hakbang ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs na ipa-contempt ang dalawang pulis na nasasangkot sa recycling ng iligal na droga.
Matatandaang una nang pinag-utos ni Senate Committee on Public Order Chair Ronald ‘Bato’ dela Rosa na pansamantalang ikulong sa senado ang dalawang pulis ng Philippine National Police Drug Enforcement Group (PNP DEG) na sina Police Senior Master Sergeant Jerrywin Rebosora at Police Master Sergeant Lorenzo Catarata dahil sa hindi pagsagot ng maayos sa tanong ng mga senador.
Nagpahayag ng pagkadismaya si Go sa pagbabalik ng mga ‘ninja’ cops o ang mga pulis na sangkot sa pagbebentang muli ng mga nakukumpiskang iligal na droga.
Kaugnay nito, hinkayat ng senador ang mga law enforcement agency na manatiling mahigpit sa paglaban kontra sa kriminalidad at sa iligal na droga.
Partikular na dapat aniyang pagtuunan ng pansin ng mga awtoridad ang pagtugon sa mga report na ibinibigay na reward ng ilang pulis sa mga informant ang bahagi ng mga nasasabat iligal na droga.
Giit ni Go, walang dapat bumalik na droga sa daan o sa kalye. | ulat ni Nimfa Asuncion