Nagpaabot ng pakikidalamhati si Sen. Bong Go sa pamilya ng mga nasawi sa passenger vessel sa Basilan nitong Miyerkules ng gabi.
Ayon sa senador, nakakalungkot na matapos ang oil spill incident sa Oriental Mindoro ay isa na namang trahedya ang nangyari sa karagatan.
Umaasa itong agad na maihahatid ang tulong sa mga biktima ng trahedya.
Hiniling rin nito sa may-ari ng nasunog na vessel na akuin ang responsibilidad sa mga nasawi gayundin sa mga nasugatan.
Upang maiwasan naman na maulit ang mga ganitong insidente ay iminungkahi ng senador ang pagkakaroon ng striktong polisiya sa regulasyon sa mga barkong naglalayag sa karagatan lalo na sa sea worthiness ng mga ito.
Sa kasalukuyan ay nagpapatuloy pa rin ang paghahanap sa mga nawawala pang pasahero ng nasunog na MV Lady Mary Joy 3, at gayundin ang imbestigasyon sa sanhi ng insidente. | via Merry Ann Bastasa