Sen. Dela Rosa, naniniwalang makakapasa na sa Kongreso ang panukalang bagong pension system para sa mga military, uniformed personnel

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kumpiyansa si Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa na maaaprubahan ngayon ng Kongreso ang panukalang batas tungkol sa pagkakaroon ng bagong pension system para sa mga bagong military at uniformed personnel (MUP).

Ginawa ng senador ang pahayag matapos sabihin ni Finance Secretary Benjamin Diokno na kailangan nang tugunan ang lumulobong halaga ng pensyon para sa mga retirees na maaaring mauwi sa fiscal collapse.

Pinunto ni Dela Rosa na halos two thirds ng taunang budget ng Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP) at Bureau of Fire Protection (BFP) ang napupunta sa personnel services kung saan kasama ang pension at gratuity fund.

Giit ng senador, dapat ay mas malaking pondo ang inilalaan para sa capital outlay at MOOE (maintenance and other operating expenses) para mapaganda ang performance ng mga ahensya.

Naniniwala naman ang mambabatas na hindi magreresulta sa demoralisasyon ng mga MUP ang ipinapanukalang bagong pension system na mag-aapply lang sa mga bagong papasok sa serbisyo. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us