Sen. Gatchalian, hinimok ang mga lokal na pamahalaan na manindigan laban sa POGOs

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sen. Gatchalian, hinimok ang mga lokal na pamahalaan na manindigan laban sa POGOs

Hinikayat ni Senador Sherwin Gatchalian ang mga lokal na pamahalaan na maglabas ng kani-kanilang paninindigan kaugnay sa operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) sa kanilang mga lugar.

Ayon kay Gatchalian, ang ilang mga local government unit (LGU) lalo na ang itinuturing na pinagpupugaran ng mga kumpanya ng POGO ay nagsimula nang tukuyin ang implikasyon ng POGO operations sa kanilang mga lugar kabilang na ang Manila, Pasay, at Paranaque.

Ipinunto ng senador, na responsibilidad ng mga alkalde at ng local chief of police ang nangyayaring krimen sa kanilang nasasakupan kaya naman nagiging lokal na isyu na ito at problema ng komunidad.

Inihalimbawa ng mambabatas ang naging aksyon ng Pasig City, na unang LGU na nagpasa ng ordinansa na nagbabawal sa mga POGO makaraang matukoy na itinuturing na mas malaki ang perwisyo sa komunidad dulot ng mga POGO kumpara sa mga benepisyong nakukuha rito.

Dapat aniyang pagsikapan ng gobyerno ang mapayapa at maayos na lipunan, upang mas marami ang maakit na mamumuhunan, turista, at mga banyaga na maglagak ng puhunan sa Pilipinas.

Dinagdag rin ni Gatchalian, na ang mga organisasyong may kakayahang mangidnap at magsagawa ng illegal detention ay hindi mga lehitimong negosyante kung hindi mga sindikatong kriminal. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us