Sen. Gatchalian, nais nang ganap na i-ban ang mga POGO

Facebook
Twitter
LinkedIn

??????? ??????????, ???? ???? ????? ?? ?-??? ??? ??? ????

Pinanawagan ni Senate Committee on Ways and Means chairman Sherwin Gatchalian na ipagbabawal na ng mga Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa Pilipinas.

Sa isang privilege speech, prinesenta ni Gatchalian ang Chairman’s Report o ang findings ng kanyang kumite sa isinagawa nilang mga pagdinig tungkol sa economic impact ng POGO.

Base aniya sa resulta ng kanilang naging imbestigasyon, lumalabas na walang benepisyong makukuha ang sambayanang Pilipino mula sa POGO kaya naman nirerekomenda niya ang permanent banning nito sa Pilipinas.

Kabilang sa mga pinunto ng senador na isa sa mga isyu ay ang paggamit ng mga Chinese national sa mga POGO para malusutan ang kanilang sariling batas dahil ipinagbabawal sa China ang pagsusugal.

Hiniling din ng mambabatas sa Kongreso ang pagbuo ng hiwalay na ahensiya para mag-regulate, authorize at magbigay lisensya sa industry players sa gaming sector.

Ang tangi na lang aniyang gagawin Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ay ang maging gambling operator.

Hinimok rin ng senador ang Department of Labor and Employment (DOLE) na hanapan ng bagong trabaho ang mga Pilipinong mawawalan ng trabaho kapag pinahinto ang operasyon ng mga POGO.

Kailangan din aniyang singilin ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang utang sa buwis ng third-party auditor ng PAGCOR, POGO licensees, at kanilang service providers para may magamit sa mga programa ng gobyerno.

Plano rin ni Gatchalian na magpaapruba ng resolusyon para kumbinsihin ang Ehekutibo na tuluyang ipagbawal ang POGO sa bansa. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us