Sen. JV Ejercito, may agam-agam sa kasunduan ng NGCP, NICA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpahayag ng agam-agam si Senador JV Ejercito sa pagpirma ng Memorandum of Understanding (MOU) o kasunduan ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) at ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA).

Ayon kay Ejercito, maaaring ilagay nito sa alanganin ang seguridad ng ating bansa.

Pinunto ng senador na mayroong 40 percent share sa NGCP ang State Grid Corporation ng China.

At bilang bahagi ng MOU ang cybersecurity at energy-related issues ay posible aniyang mag-backfire ang kasunduan sa ating bansa kung lumala ang territorial dispute sa West Philippine Sea.

Pangamba ni Ejercito, kung magkaroon ang Pilipinas ng major dispute sa China ay maaaring sa isang iglap lang ay maparalisa nila ang buong ekonomiya ng Pilipinas.

Kaya naman, kung kaya pa aniya ay dapat umatras na ang gobyerno sa kasunduang ito dahil dapat ganap na pagmamay-ari ng ating estado ang mga crown jewels ng Pilipinas, lalo ang mga utilities at iba pang mahahalaga at sensitibo sa ating pambansang seguridad.

Gayunpaman, iginagalang ng mambabatas ang desisyon ng Ehekutibo. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us