Sen. Padilla, hiniling sa Senate leadership na makipag-usap sa Kamara kaugnay ng ipinapanukalang economic cha-cha

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umapela si Senador Robin Padilla sa liderato ng Senado na magkaroon ng ‘collaborative effort’ sa Kamara para sa pagtalakay ng paraan sa ipinapanukalang pag-amyenda sa economic provision ng Saligang Batas.

Nitong Lunes, nagpadala na ng liham si Padilla kina Senate President Juan Miguel Zubiri, Senate President Pro Tempore Loren Legarda, Majority Leader Joel Villanueva, at Minority Leader Koko Pimentel kaugnay ng kahilingan niyang ito.

Ipinunto ni Padilla, na una nang ipinahayag ni House Speaker Martin Romualdez na bukas ang Kamara na talakayin ang pagsusulong ng constituent assembly (Con-Ass) bilang paraan ng pag-amyenda sa konstitusyon.

Una nang nagsagawa ng mga pagdinig si Padilla tungkol sa ipinapanukala niyang Con-Ass sa iba’t ibang bahagi ng bansa kabilang ang Davao City, Baguio City at Cebu City.

Samantalang ang charter change naman na isinusulong at naipasa na ng Mababang Kapulungan ay sa pamamagitan ng constitutional convention (Con-con). | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us