Senate Blue Ribbon Committee, kinukumpleto ang mga dokumento mula sa SRA bago magkasa ng inquiry sa alegasyong bagong insidente ng sugar smuggling

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hinihintay pa ng Senate Blue Ribbon Committee ang karagdagang dokumento mula sa Sugar Regulatory Administration (SRA) bago buksan ng komite ang imbestigasyon tungkol sa sinasabing kaso ng hindi otorisadong pag-aangkat ng asukal.

Ayon kay Blue Ribbon Committee Chairperson Francis Tolentino, ang pinapadala pa lang ng SRA ay ang Sugar Order No. 6 at kulang-kulang pa ang mga hawak nilang dokumento.

Dagdag pa aniya ang pagbibitiw sa pwesto ni SRA Head David Thaddeus Alba.

Una nang sinagot ni Tolentino ang apela ng Senate Minority Bloc tungkol sa pagsasagawa ng pagdinig tungkol sa isyung ito, at sinabing nakalinya na itong dinggin ng blue ribbon.

Sa resolusyong inihain ni Senate Deputy Minority Leader Risa Hontiveros, hinihikayat ang blue ribbon committee na imbestigahan ang di umano’y iregular na sugar importation noong February 9, kung saan nakapasok sa Pilipinas ang 260 na 20-foot containers ng asukal mula sa bansang Thailand.

Ipinaliwanag ni Hontiveros, na hindi maaaring ang shipment na ito ay sakop ng Sugar Order no. 6 dahil ang aprubadong alokasyon ng naturang kautusan ay magsisimula lang dapat noong February 24.

Hindi rin aniya ito sakop ng iba pang mga naunang kautusan ng SRA. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us