Bugbog sarado ang isang lalaki matapos mang-snatch ng cellphone sa EDSA Quezon City.
Pauwi na ang biktima na si CJ Deyno na empleyado ng isang kilalang istasyon ng makusurnadahan ng suspect na si Gilbert Homoc, 31 anyos, ang cellphone ng biktima.
Agad naman nakahingi ng tulong si Deyno sa mga motorcycle rider sa lugar kung kaya’t nahabol ang suspect at nakatikim ng malalakas na suntok o bugbog sa taumbayan.
Nabawi naman sa suspect ang cellphone ng biktima. Dahil sa ginawang pang-snatch ng cellphone, himas-rehas ngayon ang suspect sa Station 10 ng Quezon City Police District (QCPD). | ulat ni Janze Macahilas