Solid Waste Management Warehouse sa Lungsod ng Taguig, pormal na pinasinayaan ng MMDA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinangunahan ni Metropolitan Manila Development Authority o MMDA General Manager Procopio Lipana ang pagpapasinaya sa bagong tayong Solid Waste Management Warehouse sa Lungsod ng Taguig ngayong araw.

Ayon kay Lipana, layunin nitong mapabilis at maisaayos ang pangongolekta gayundin ang pagpoproseso ng mga basura at mapaluwag ang mga daluyan ng tubig upang maiwasan ang mga pagbaha.

Kasunod nito, namahagi rin ang MMDA ng mga kagamitan para sa maayos na pangongolekta ng basura na ipakakalat sa siyam (9) na barangay bilang bahagi ng Phase 1 ng Metro Manila Flood Management Project.

Matatagpuan ang nasabing warehouse sa Labasan Pumping Station na kumpleto sa pasilidad tulad ng office space, quarters at storage room para sa Mobile Materials Recovery Facility.

Kabilang din sa mga nabigyan ng mga kagamitan ang walong (? Barangay sa Tondo at Brgy. 137 sa Paco, Maynila na siyang maghahatid ng mga nakolektang basura sa Mobile Materials Recovery Facility sa Vitas Pumping Station. | ulat ni Jaymark Dagala

?: MMDA

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us