Nagpasalamat si Senate President Juan Miguel Zubiri sa mabilis na aksyon ng Department of Justice (DOJ) sa kaso ni John Matthew Salilig.
Sinabi ito ni Zubiri matapos ang indictment ng pitong fraternity members na may kaugnayan sa kaso ng kanyang pagkamatay.
Kinilala rin ng senador ang maagap na pagtugis ng Philippine National Police (PNP) sa mga suspek.
Aniya, ang mabilis at matatag na aksyon ng ating law enforcement agencies ang pinakamainam na paraan para mapigilan ang mga krimen.
Binigyang diin rin ng senate leader na ang hakbang na ito ay magsisilbing cold warning sa mga fraternity na umiiral ang Anti-Hazing law at na kapag gumawa ng isang krimen ay mapapanagot ito sa ilalim ng mga batas.
Pinaalala rin ni Zubiri sa mga pasaway at patuloy na gumagawa ng hazing na wala silang ligtas sa anti-hazing law at na makukulong sila. | ulat ni Nimfa Asuncion