Bukas ang bansang Spain upang tulungan ang Pilipinas na mapalakas pa ang Philippine Navy.
Ito ang sinabi ni Spanish Ambassador to the Philippines Miguel Delgado sa kaniyang courtesy call kay House Speaker Martin Romualdez.
Ani Romualdez, nais ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na mapalakas ang depensa ng Pilipinas lalo at patuloy pa rin ang tension sa West Philippine Sea.
Ayon sa embahador, tinutulungan na ng Spanish Embassy ang ugnayan sa pagitan ng Philippine Navy at Navantia, isang Spanish state-owned shipbuilding company na gumagawa ng high technology military at civilian vessels.
Katunayan, mayroon na aniyang opisyal na imbitasyon sa Philippine Navy upang bumisita sa Navantia upang tingnan ang kanilang mga submarine. | ulat ni Kathleen Jean Forbes