Summer edition ng Metro Manila Film Festival, aarangkada na sa Abril 2

Facebook
Twitter
LinkedIn

Aarangkada na ang mga aktibidad kaugnay ng kauna-unahang Summer edition ng Metro Manila Film Festival o MMFF para sa taong ito.

Ayon sa Metropolitan Manil Development Authority o MMDA, magsisimula ang kick off ng Summer MMFF sa Abril 2 sa pamamagitan ng Parade of Stars na gagawin sa Quezon City na tinagurian ding “City of Stars.”

Tampok sa nasabing parada ang mga kalahok sa MMFF Summer edition tulad ng mga pelikulang Apag; Singlebells; About Us But Not About Us; Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko; Unravel: A Swiss Side Love Story.

Gayundin ng mga pelikulang Here Comes The Groom; Yung Libro Sa Napanuod Ko at Love You Long Time.

Magsisimula ang parada ganap na alas-4 ng hapon sa Commonwealth Ave mula Villa Beatriz patungong Quezon Memorial Circle kung saan doon isasagawa ang isang programa.

Ayon kay MMDA Acting Chairman at MMFF overall Chair Atty. Romando Artes, magpapakalat sila ng 730 tauhan para magmando ng trapiko at tiyakin ang seguridad ng mga kalahok sa nasabing patimpalak.

Magsisimulang ipalabas ang mga pelikulang kalahok sa Summer MMFF sa Abril 8 hanggang 18 o 11 araw sa lahat ng mga sinehan sa buong bansa.

Gagawin naman sa Abril 11 ang Gabi ng Parangal sa New Frontier Theatre. I via Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us