Sunog sa Parañaque umabot sa ika-limang alarma

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tinupok ng apoy ang mga kabahayan sa Airport Village, Moonwalk, Parañaque City.

Pawang mga light materials ang mga bahay kung kaya’t mabilis na kumalat ang apoy kaya naman agad na iniakyat ito sa ika-limang alarma ng Parañaque Fire Department.

Dakong alas-9:56 ng gabi nang magsimula ang sunog. Ang mga fire volunteer mula sa lungsod ng Maynila, Mandaluyong at Pasay City ay napasugod din upang huwag nang lumaki pa ang apoy na maaaring magdulot ng makapal na usok lalo pa at malapit din ito sa paliparan.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad. Wala namang naiulat na nasawi o nasugatan sa nangyaring sunog na idineklarang fire out dakong alas-2:30 ng madaling araw.

Nananawagan ngayon ng tulong ang 80 pamilyang apektado ng sunog sa lokal na pamahalaan lalo pa’t ang iba sa mga ito ay may mga kasama pang bata at wala silang tutuluyan. | ulat ni Janze Macahilas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us