Suporta sa pagbuo ng Maharlika Fund, dapat pantayan ng suporta para sa pagtatayo ng mga cold storage

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hinamon ni Deputy Speaker Ralph Recto ang pamahalaan na tapatan ang suportang ibinigay para sa Maharlika Investment Fund para sa pagtataguyod ng dagdag na cold storage facility sa bansa.

Ayon sa kinatawan, kung kumpiyansa ang pamahalaan na mahahanapan ng pondo ang MIF, ay tiyak na may mailalaan din para sa pagpapatayo ng cold storage facility na nagkakahalaga ng ₱40-million.

Batay na rin ito sa pondong inilaan ng Department of Agriculture sa dagdag na anim na cold storage na may 20,000 bag capacity.

Paalala ng mambabatas kulang ang kasalukuyang 151 cold storage facility na accredited ng DA para pag-imbakan ng 230,000 tons ng lokal na sibuyas.

May iiimbak pa rin aniya kasing ibang produkto dito gaya ng ibang gulay at karne.

“Ang sa akin lang, equality in prioritization. Kung kaya daw i-raise ang ilang bilyon para sa isang investment fund, siguro naman mas madaling pondohan ang isang bagay na mas mababa ang halaga. If the idea of a sovereign fund gets an official warm embrace, then why should cold storages get a cold reception?” ani Recto.

Punto ng Batangas solon, ang sapat na cold storage facility ay titiyak sa mas mahabang shelf life ng mga ani na magreresulta naman sa mas mataas na kita ng magsasaka, sapat na suplay ng bilihin at makakaiwas na rin sa pag pag-aangkat at maalis na ang market manipulators.

“It negates the need for imports. Sabi nga ‘yung taunang postharvest losses sa bigas na lang, kung kayang i-save ay pwede na pakainin ang buong Metro Manila. So we are in this situation wherein the scarcity of cold storage has made the latter a hoarding device,” diin ni Recto. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us