TESDA, nanguna sa top performing government agencies ayon sa isang survey

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nanguna ang tanggapan ng Technical Education Skills Development Authority (TESDA) para sa top performing government agencies sa bansa ayon sa isang survey.

Batay sa inilabas na resulta ng research firm na Publicus Asia, nanguna ang TESDA na nakapagtala ng 73 percent na mas mataas ng isang porsiyento noong nakaraang taon, na umabot lamang ng 72 percent.

Sumunod naman ang Armed Forces of the Philippines (AFP), na nakapagtala ng 69 percent habang ang Department of Tourism naman ay 68 percent naman ang approval ratings.

Kaugnay nito, nanguna rin ang TESDA sa isa sa trustworthy government agency kabilang ang AFP, na nakapagtala ng 60 percent habang sinundan ito ng BanGko Sentral ng Pilipinas na may 55 percent rating.

Samantala, nagpapasalamat naman si TESDA Director General Danilo Cruz sa pagsuporta ng ating mga kababayan, at nangako na magpapatuloy ang pagsuporta ng TESDA sa mamayang Pilipino. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us