Tripartite MOU, nilagdaan sa Kamara para tulungan ang mga gender-based violence victim

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinuri ni TINGOG Party-list Representative Yedda Marie Romualdez ang joint effort ng House of Representatives, Quezon City local government, at ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) para tulungan ang mga biktima ng gender-based violence partikular ang mga empleyado ng Kamara at ang kanilang mga kapamilya.

Sa ilalim ng tripartite MOU, pagkakalooban ng legal, psychological, at shelter assistance ang mga biktima.

Ang IBP-QC Chapter ang sasagot sa legal assistance, ang QCPC ang magkakaloob naman ng emergency shelter services at mga programa para sa healing, recovery, rehabilitation, at reintegration ng mga biktima.

Pinasalamatan ni Representative Romualdez ang makasaysayang kasunduan ng tatlong partido at magsisilbi itong komprehensibo at “holistic support” ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa mga biktima at survivors.

Aniya, suportado nila ang naturang hakbang bilang pagpapahalaga sa mga empleyado nito upang matiyak na naipagkakaloob ng kanilang pamunuan ang “best care and support” na kinakailangan.

Kumpiyansa ang mambabatas na magiging pundasyon ang MOU para sa isang matibay na partnership ng House sa Quezon City LGU, at IBP upang labanan ang gender-based violence. | ulat ni Melany Valdoz Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us