Binigyang-diin ni Health OIC Undersecretary Maria Rosario Vergeire na mas mainam pa rin ang inuming tubig kumpara sa mga juice o anumang palamig na nabibili.
Paliwanag ng opisyal, bagamat nakakapawi pa rin naman aniya ng uhaw ang mga may flavor na inumin subalit may pagkakataon na mas nakakauhaw ang mga ito.
Kaya paalala nito sa publiko na magbaon ng sariling tubig para maiwasan na ring bumili ng mga inumin sa labas lalo na at tubig pa rin aniya ang pinakamabisa na pampawi ng uhaw ngayong tag-init.
Kasabay nito ay pinaalalahanan din ni Vergiere ang mga vendors ng mga palamaig at mga juices na tanging malinis na tubig lang ang kanilang gamitin at siguruhing malinis ang pinagmumulan ng mga gamit nilang yelo. | ulat ni Lorenz Tanjoco