Humihingi ng tulong ang Ukrainian government sa Pilipinas para sa pagkakaroon ng labor cooperation sa pagitan ng dalawang bansa para sa rebuiling process sa naging agression ng Russia sa Ukraine.
Ayon kay Ukrainian Chargé d’affaires Denys Mykhailiuk, patuloy ang pakikipag-usap ng kanilang bansa sa Pilipinas upang magkaroon ng isang panibagong labor cooperation sa ating bansa.
Ito’y sa kabila ng kanilang pangangailangan ng professionals na magiging bahagi ng kanilang rebuilding process sa muling pagbangon ng Ukraine.
Dagdag pa Mykhailiuk, isa ang Pilipinas sa nakikita nilang mga hardworking professionals dahil sa naipamalas na talento at kasipagan nito sa iba pang bansa.
Kaunay nito, bukod sa labor cooperations ay welcome din ang naturang bansa na magpapasok ng mga Filipino investors sa kanilang bansa lalo na sa industriya ng construction.
Samantala, siniguro naman ni Mykhailiuk na ligtas nang mamuhunan sa kanilang bansa at unti-unti nang babangon ito at muling bumabalik ang sigla ng kanilang ekonomiya. | ulat ni AJ Ignacio