Naglabas na ang Commission on Elections (Comelec) ng updated “calendar of activities” para sa 2023 Barangay at Sanggunang Kabataan (BSK) Elections.
Ayon sa Comelec, ito ay base narin sa kanilang Resolution No. 10902.
Dahil dito ang “Election Period at Gun Ban” ay magsisimula na sa August 28 hanggang November 29, 2023.
Habang ang paghahain ng “Certificate of Candidacy” o COC ay sa August 28 hanggang September 2, 2023 (sa halip na July 3 hanggang 7).
Ang pagbabawal naman ng pangangampanya ay itinakda na sa September 3 hanggang October 18.
Ang campaign period ay itinakda sa October 19 hanggang October 28.
Pagsapit naman ng October 29 hanggang 30, bawal na ang pangangampanya at ipatutupad na rin ang liquor ban.
Sa October 30 naman isasagawa ang araw ng eleksyon, kung saan ang “voting hours” ay mula alas-7 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon.
Sa November 29 naman ang huling araw ng paghahain ng Statement of Contribution and Expenditures o SOCE. | ulat ni Lorenz Tanjoco