Nag-alok ng tulong ang Estados Unidos at Korea sa pamahalaan ng Pilipinas sa paglilinis ng oil spill sa Oriental Mindoro.
Ayon kay Office of Civil Defense (OCD) Information Officer Diego Agustin Mariano, hinihintay lang ng dalawang bansa ang desisyon ng Pilipinas kung tatanggapin ang kanilang alok na tulong.
Una nang tinanggap ng pamahalaan ang tulong ng Japan, at kasalukuyan nang nasa bansa ang ilang Japanese experts para tumulong sa oil spill clean up.
Natukoy na ngayon ng Philippine Coast Guard ang eksaktong lokasyon ng MT Princess Empress, na lumubog noong February 28, karga ang 800,000 litro ng industrial fuel oil, na patuloy ang pagtagas hanggang sa kasalukuyan.
Sa huling datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), mahigit 31,000 pamilya sa MIMAROPA at Western Visayas ang naapektuhan ng oil spill. | ulat ni Leo Sarne