Ayon sa Ikalawang Pangulo, nakahanda ang kanyang tangapan sa mga posibleng tulong na kakailanganin ng naturang lalawigan upang muling makabangon at manumbalik ang sigla ng turismo at ekonomiya sa Negros Occidental.
Binigyang-diin ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte Carpio ang pagpapalakas ng programang pangkabuhayan at peace and order situation sa pagbangon ng tourism sector sa Negros Occidental.
Dagdag pa ng Ikalawang Pangulo na ito’y sa kabila ng ilulunsad na “Magnegosyo ‘Ta Day” program na naglalayong magbigay ng ₱20,000 na paunang captial sa pagnenegosyo sa magiging benepisyaryo nito kabilang dito ang ilang mga trainings sa livestock, sari-sari store, goat dispersal, native chicken, at mini-meat processing.
Kaugnay nito na isa rin sa nais ni VP Sara na mas mapaigting pa ang programa sa peace and order situation sa naturang probinsya upang mas marami pumasok na mamuhunan gayundin ang mga local at foreign tourism sa Negross Occidental. | ulat ni Arrian Jeff Ignacio