VP Sara, binigyang diin ang pagpapalalim ng pananampalatay ngayong Ramadan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakiisa si Vice President Sara Z. Duterte sa mga kapatid na Muslim sa kanilang paggunita sa Banal na Buwan ng Ramadan.

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni VP Sara na sa panahon ng pananalangin at pag-aayuno ay dapat magpasalamat sa mga biyayang natanggap.

Gayundin ang pagdarasal para sa ibang nangangailangan ng tulong at suporta.

Sinabi ni VP Sara na sana’y maging daan ang Ramadan sa pagpapalalim ng pananampalataya kay Allah at pagkakaroon ng malinis na puso.

Kasabay nito, hinimok ng pangalawang pangulo ang lahat na ipagdasal ang pangmatagalang kapayapaan sa Mindanao, sa buong bansa at buong mundo bukod sa personal na intensyon at plano sa buhay.

Nawa’y mas lumalim aniya ang layunin at mamuhay nang sumusunod sa mga salita ni Allah sa pakikitungo sa mga kaibigan, pamilya at sa lahat. | ulat ni Hajji Kaamiño

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us