VP Sara Duterte, dadalo sa ilang aktibidad sa QC ngayong araw

Facebook
Twitter
LinkedIn

Maagang magiging abala si Vice President at Education Secretary Sara Duterte sa ilang mga aktibidad na dadaluhan nito sa Quezon City ngayong araw.

Kabilang dito ang Women’s Month Celebration na pangungunahan ngayong umaga ng Pangalawang Pangulo sa Quezon City Police District (QCPD).

Isasagawa ito sa headquarters ng QCPD sa Camp Karingal kaya maaga pa lang ay mahigpit na rin ang seguridad.

Nakatakda ring inspeksyunin ni VP Sara ang 3-Minute Response Time sa Integrated Command and Control Center (IC3) ng QCPD.

Kasunod nito ay pangungunahan rin ni VP Duterte ang groundbreaking ceremony para sa 12-storey residential building project para sa mga guro sa Quezon City.

Gaganapin naman ito sa Barangay Holy Spirit, Quezon City kung saan makakasama ni VP Sara si Quezon City Mayor Joy Belmonte at ilan pang opisyal ng pamahalaan. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us