VP Sara Duterte, handang makipag-partner sa LGUs para sa pabahay ng mga guro

Facebook
Twitter
LinkedIn

Suportado ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte ang pagpapalawak ng mga programang pabahay para sa mga guro.

Sa isang panayam, sinabi ni VP Sara na handa itong makipagtulungan sa mga lokal na pamahalaan para mas maraming guro ang makinabang sa mga pabahay program.

Ngayong araw, dinaluhan ni VP Sara ang groundbreaking ceremony ng 12-storey residential building project ng Quezon City LGU sa mga guro.

Ayon kay VP Sara, tumulong ang Department of Education (DepEd) sa QC LGU para matukoy ang mga teacher-beneficiary sa kanilang pabahay.

Samantala, tiniyak naman ng Bise Presidente na magpapatuloy ang hiring ng DepEd sa karagdagang mga guro ngayong taon.

Paliwanag nito, bukod sa pagdagdag ng mga guro, pinaplano rin ng kagawaran na palawakin ang kapasidad ng mga guro sa pamamagitan ng teknolohiya. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us