VP Sara, kinuwestyon ang mga nagawa ng ACT Teachers sa loob ng mahigit isang dekada

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinuwestyon ni Vice President Sara Duterte ang mga nagawa ng ACT Teachers sa loob ng labindalawang taon sa Kongreso upang tugunan ang mga suliranin sa sektor ng edukasyon.

Ayon kay VP Sara, maraming problemang kinahaharap ang mga guro sa usaping pinansyal at patuloy na sinusubok ng hamon ang mga mag-aaral.

Ngunit sa gitna ng lahat ng ito ay wala aniyang naitulong ang ACT Teachers na ibinibida bilang kinatawan ng sektor ng edukasyon.

Sa halip ay pinalalabas umano ng grupo na sila ang nasa likod ng pagbuti ng financial status ng mga teacher at school staff.

Giit pa ng Pangalawang Pangulo, sa loob ng mahigit isang dekada ay ni hindi kinokondena ng ACT Teachers ang karahasang dulot ng teroristang New People’s Army (NPA) laban sa mga mag-aaral, guro at school personnel.

Binanatan naman ni VP Sara si Representative France Castro na siyang namumuno sa party-list at hindi lamang nagsisilbing abogado umano ng NPA kundi may kinahaharap pang kaso ng kidnapping sa Indigenous People mula sa Davao Region.

Kinuwestyon ni Vice President Sara Duterte ang mga nagawa ng ACT Teachers sa loob ng labindalawang taon sa Kongreso upang tugunan ang mga suliranin sa sektor ng edukasyon.

Ayon kay VP Sara, maraming problemang kinahaharap ang mga guro sa usaping pinansyal at patuloy na sinusubok ng hamon ang mga mag-aaral.

Ngunit sa gitna ng lahat ng ito ay wala aniyang naitulong ang ACT Teachers na ibinibida bilang kinatawan ng sektor ng edukasyon.

Sa halip ay pinalalabas umano ng grupo na sila ang nasa likod ng pagbuti ng financial status ng mga teacher at school staff.

Giit pa ng Pangalawang Pangulo, sa loob ng mahigit isang dekada ay ni hindi kinokondena ng ACT Teachers ang karahasang dulot ng teroristang New People’s Army laban sa mga mag-aaral, guro at school personnel.

Binanatan naman ni VP Sara si Representative France Castro na siyang namumuno sa party-list at hindi lamang nagsisilbing abogado umano ng NPA kundi may kinahaharap pang kaso ng kidnapping sa Indigenous People mula sa Davao Region. | via Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us