Nasabat ng pinagsanib na pwersa ng Philippine National Police (PNP), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), at Philippine Army ang limang kilo ng shabu na nagkakahalaga ng β±35-milyong piso sa operasyon sa Brgy. Pang, Kalingalan Caluang, Sulu nitong Martes.
Sa ulat na nakarating kay PNP Officer-in-Charge, Police Lieutenant General Rhodel Sermonia, narekober ang droga sa arestadong suspek na kinilalang si Morasad Nasang Jaiyari.
Nakatakas naman ang kasabwat ng suspek na si alyas Albasir.
Ayon kay Lt. Gen. Sermonia, ang matagumpay na operasyon ay patunay ng malapitang pagtutulungan ng mga law enforcement agencies sa rehiyon kontra sa ilegal na droga.
Hinimok naman ni Sermonia ang publiko na patuloy na makipagtulungan sa PNP na sugpuin ang ilegal na droga sa pamamagitan ng BIDA o βBuhay Ingatan, Droga Ayawanβ programa ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos Jr. | ulat ni Leo Sarne
?: PNP-PIO