Ipinagkaloob ng United States Agency for International Development USAID ang dalawang grant na may kabuuang halaga na 37.9 milyong piso para sa mga proyektong nagsusulong ng partisipasyon ng mga babae sa sektor ng enerhiya sa bansa.
Iginawad ni USAID Philippines Deputy Mission Director Rebekah Eubanks ang “Women in Energy Leadership, Innovation, and Resilience grant” sa Diwata-Women in Resource Development, Inc. at Women Engineers Network of the Philippine Technological Council, Inc. (PTC).
29 na milyong piso ang natanggap ng Diwata-Women in Resource Development, Inc. para sa kanilang proyekto na nagsasanay ng mga matatandang katutubong babae na mag-assemble at mag-mantini ng mga solar-powered pump systems para sa elektripikasyon ng kanilang komunidad.
Habang 8.9 milyong piso naman ang natanggap ng PTC para sa kanilang proyektong na magpapataas ng enrollment ng mga babae sa renewable energy engineering programs. | ulat ni Leo Sarne
: US Embassy