Nakabalik na ng bansa ang isang Pilipinong biktima ng call center scam sa Myanmar na inalipin at nagbayad pa ng higit P170,000 para sa kalayaan nito.
Muling nagbabala ang Bureau of Immigration (BI) sa publiko laban sa call center trafficking scam sa ibang bansa kasunod ng pagpapauwi sa isang babaeng biktima na nagkuwento ng kaniyang karanasan sa mga trafficker.
Sinabi ni Immigration Commissioner Norman Tansingco na isang babaeng biktima ang pinauwi sa bansa mula Bangkok, Thailand noong Marso 9.
Aniya na-recruit ang biktima online para magtrabaho bilang call center agent sa Thailand at kalaunan ay ibiniyahe pa pa-Myanmar.
Pinagbayad din umano ito ng P170,000 para sa kanyang paglaya at isa pang P28,000 para tumawid sa ilog pabalik sa Thailand dahilan naman nang paghingi nito ng tulong sa embahaba ng Pilipinas upang maiuwi siya pabalik ng bansa. | ulat ni Paula Antolin