???? ???????, ?????????? ?????????? ?? ?????? ???? ????????? ??? ???????

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sailing o paglalayag ang makabagong atraksiyon na makahihikayat ng maraming turista, ngayong papalapit na ang Balangay Festival.

Gaganapin ang Balangay Festival sa buong buwan ng Mayo sa Butuan City.

Sa unang pagkakataon sa kasaysayan sa Caraga Region, matagumpay na isinagawa ang Regatta o paligsahan sa paglalayag sa Butuan Bay.

Ayon kay Balangay Sailing Association (BSA) sailing coach Patrick Ruiz, umaasa siyang magka-interes ang kabataan na sumali sa ganitong aktibidad lalo na sa mga naghahanap ng kakaibang sports activities.

Sa kasalukuyan, nakikipag-usap ang Balangay Sailing Club sa pamahalaang lokal ng Butuan upang maisali ito sa calendar of activities sa Balangay Festival na ipinagdiriwang sa buong buwan ng Mayo.

Layunin ng nasabing grupo na buhayin at ipalaganap ang kaalaman na ang Butuan ay kilala bilang mangangalakal gamit lamang ang bangka.

Lingid kasi sa kaalaman ng ilan, ang Butuan ay isang trading port ng Asya at naging tanyag noon ang paglalayag ng Balangay boat, matapos libutin ang Timog-Silangang Asya.

Plano ng grupo na gawin ang paglalayag ay sa Masao beach sa Butuan at mag-organisa ng kumpetisyon sa Agusan River na tinutulak ngayon bilang tourist destination. | ulat ni Jocelyn Morano | RP1 Butuan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us