Kinumpirma ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na may natanggap nang impormasyon sa nawawalang cessna plane sa Lalawigan ng Isabela.
Ito ay matapos kumpirmahin ni Isabela PDRRMO Atty. Constante Foronda na nahanap na ang naturang eroplano.
Ayon sa CAAP, nakikipag-ugnayan na sila sa Philippine Aeronautical Rescue Coordinating Center (PARCC) para sa iba pang karagdagang impormasyon.
Kabilang dito ang lagay ng mga psahero at piloto nito .
Matatandaang ang naturang cessna plane ay nawawala pa simula pa noong January 24. | ulat ni AJ Ignacio
Photo: PDRRMO Isabela