Tuluyan ng sinampahan ng kaso ng Department of Justice (DOJ) sa korte sina suspended Bureau of Corrections (BuCor) chief Gerald Bantag at Deputy security officer na si Ricardo Zulueta.
Kasong two counts of murder ang isinampa sa dalawa base na rin sa nakitang basehan ng mga piskal kaugnay sa pagpatay sa mamamahayag na si Percy Lapid at umano’y middleman na si Jun Villamor.
Naglabas ng resolusyon ang mga prosecutor base sa kumpirmasyon ni Senior Assistant State Prosecutor Charlie Guhit.
Kasama rin sa kinasuhan ang self-confessed gunman na si Joel Escorial, at sina Israel Dimaculangan, Edmon Dimaculangan, at isang Orlando.
Binaril at napatay si Lapid sa Las Piรฑas City noong October 3, 2022, habang nasawi naman si Villamor sa New Bilibid Prison, sa araw nang iprisenta sa media ang sumukong si Escorial. | ulat ni Paula Antolin