??? ?? ????? ????? ???????????? ????????: ???????? ??? ????????? ?? ??? ??????????? ??????? ????? ????????? ?? ?????? ?? ?????????

Facebook
Twitter
LinkedIn


Aminado ang Department of Trade and Industry (DTI), na malaking hamon ang kinahaharap ng Pilipinas pagdating sa inflation o ang sukatan ng pagtaas o pagbaba sa presyo ng mga pangunahing bilihin, at serbisyo na ramdam din sa buong mundo.

Inihayag ito ni Trade Secretary Alfredo Pascual sa kaniyang pagdalo sa paglulunsad ng KADIWA ng Pangulo para sa Mangaggawa sa Quezon City kasama si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., kaninang umaga.

Dahil dito ani Pascual, patuloy ang kanilang pakikipagpulong at hinikayat ang mga Local Price Coordinating Council para tulungan silang bantayan, at tiyakin kung maayos at matatag ang presyo gayundin ang suplay ng mga pangunahing bilihin.

Kamakailan lamang naitala ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang bahagyang pagbaba ng national inflation rate ng bansa na nasa 8.6 percent nitong Pebrero 2023 kumpara sa 8.7 percent noong Enero.

Subalit sa National Capital Region (NCR), tumaas pa ito sa 8.7% dahil na rin sa pagtaas ng presyo ng kuryente, tubig, gas, at iba pang mga bilihin.

Bunsod nito, sinabi ni Pascual na lalo pang pinalalawak ng pamahalaan ang Kadiwa upang mas marami pang komunidad ang maabot nito. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us