????? ??????? ?????????? ?????????? ?????, ????????? ??????? ?????

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inaanyayahan ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang publiko na makilahok sa First Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill na isasagawa ngayong hapon.

Magsisimula ang programa ng ala-una ng hapon sa pangunguna ng mga opisyal ng NDRRMC sa Camp Aguinaldo; at alas-dos ng hapon gagawin ang โ€œCeremonial pressing of the buttonโ€ na hudyat para gawin ang โ€œduck, cover and hold move.โ€

Susundan ito ng isang โ€œfunctional exerciseโ€ na lalahukan ng ibaโ€™t ibang ahensyang kasapi ng NDRRMC, kung saan itatanghal ang kanilang pagtugon sa isang Magnitude 7.2 na lindol.

Bago ang aktibidad sa hapon, magkakaroon ng โ€œmustering of forcesโ€ na lalahukan ng ibaโ€™t ibang response agencies ng pamahalaan ngayong alas-8 ng umaga sa General Headquarters Grandstand sa Camp Aguinaldo.

Layon ng aktibidad na ipresenta sa publiko ang mga bagong kagamitan at kapabilidad ng pamahalaan sa pagtulong sa mga mamamayan sa panahon na mangyari ang โ€œThe Big One.โ€ | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us