Tiniyak ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na nakatutok ang pamahalaan sa posibleng epekto ng oil spill sa Oriental Mindoro partikular na sa mga fishing sanctuary at tourist areas.
Ayon sa Chief Executive, dapat sanang maagapan na hindi maabutan ng mga tumagas na langis ang tourist areas at fishing shelters.
Ang mabuti ngayon sabi ng Pangulo ay natumbok na ang sunken tanker na pinagmulan ng oil leak dahilan para madetermina ang direksyon ng oil spill.
Naniniwala naman ang Chief Executive na mako-contain na ang oil spill nang sa gayon ay bumalik na sa normal ang mga apektadong komunidad.
Nangyari ang oil spill matapos na lumubog ang tanker ng MT Princess Empress na nakaaapekto sa kasalukuyan sa kabuhayan ng mga mangingisda at mga resort owners. | ulat ni Alvin Baltazar
?: Office of the President