Umapela si Marikina Representative Stella Quimbo sa Department of Agriculture (DA), Bureau of Plant Industry (BPI), at iba pang ahensya ng gobyerno na tiyaking gumagana ang kompetisyon sa merkado.
Sa pagpapatuloy ng pagdinig ng House Committee on Agriculture and Food tungkol sa isyu ng hoarding ng sibuyas, sinabi ng economist-solon na malinaw naman na mayroong iisang kompanya na nagkokontrol sa suplay ng sibuyas.
Kaya kailangan mag-isip ng ibang paraan o βoutside the boxβ ng pamahalaan kung paano ito tutugunan nang hindi umaasa sa importasyon.
Ani Quimbo, malinaw sa modus ng grupo ni βMrs. Sibuyasβ o βSibuyas Queenβ na si Leah Cruz na kinokontrol nito ang suplay ng lokal at imported na sibuyas.
Oras kasi na makapag-import na sila ay makikipag-bargain ito sa mga magsasaka ng sibuyas para pakyawin ang ani, itatago sa iilan o piling cold storage facility at saka ilalabas kapag mataas na ang presyo ng bilihan.
Isa sa mungkahi ni Quimbo ay magkaroon ng auction para sa karapatan na mag-distribute sa isang geographic area upang magpababaan ang mga bidder at maglatag ng minimum farmgate price at maximum selling price.
βSo sa akin you really need to think outside of the box you might want ot consider for example competitively auctioning the right to distribute in a particular geographic areaβ¦ Hindi pwede na lang sasabihin ninyo we increase imports, hindi ganun kadali. So I really, nagmamakaawa kami sa DA, BPI to really think about a solutionβ¦ you really need to make competition work,β diin ni Quimbo. | ulat ni Kathleen Jean Forbes