Asahan na lalakas pa ang hanay ng mga maliliit na negosyante, mga magsasaka, at mga mangingisda sa bansa, sa ilalim ng Kapatid Angat Lahat for Agriculture Program (KALAP).
Sa ceremonial signing ng MOA sa pagitan ng private sector at ng pamahalaan, para sa programa, kinilala ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mahalagang papel na ginagampanan ng MSME sa paglikha ng trabaho at pagpapaangat sa yaman ng bansa.
“We know very well how MSMEs are crucial in the creation of new ideas, of jobs and wealth in the country, so it is only right that we recognize the power and the influence that this sector holds,โ ani Pangulong Marcos.
Sa ilalim ng programa, tutulungan ng malalaking korporasyon ang maliliit na negosyante, partikular sa agri sector, kabilang na ang mga magsasaka at mangingisda, na palakasin ang kanilang kabuhayan, at pataasin ang kanilang kita.
Dahil dito, nagpasalamat ang Pangulo sa pribadong sektor, sa pagtulong sa pamalahaan na mapalakqs ang agri sector.
“We also recognize the role of big corporations in [innovating] MSMEs, spurring their growth, and realizing their potential. Hence, I am very happy to note the objective of the KALAP to integrate small farmers and agri-entrepreneurs into the value chain of large companies,โ pahayag ni Pangulong Marcos.
Kaugnay nito, inatasan ng Pangulo ang lahat ng ahensya ng gobyerno na makipagtulungan sa Philippine Center of Entrepreneurship, para sa ikatatagumpay ng KALAP program. | ulat ni Racquel Bayan