Hindi bababa sa 100 motorista ang nasita ng mga enforcer ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa unang araw ng dry run ng exclusive motorcycle lane sa kahabaan ng Commonwealth Avenue sa Quezon City.
Ayon kay Emmanuel Lunod, MMDA Sector Commander, kabilang sa na-flag down ang nasa halos 60 motorcycle riders na lumalagpas sa itinalagang motorcycle lane.
Dahil dry-run pa lang ay hindi pa pinagmumulta ang mga ito kundi pinagsasabihan lang.
Magpapatuloy naman ngayong araw ang dry run hanggang mamayang alas-10 ng umaga.
Matapos naman ang dry run period sa March 19 ay istriktong ipatutupad na ang exclusive motorcycle lane kung saan papatawan ng multang โฑ500 ang mga motoristang hindi susunod dito. | ulat ni Merry Ann Bastasa