????? ??? ????????????? ?? ?????, ?? ?? ???? ??? ???? ?????????? ?? ????? ???’? ????????

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinaaaral muli ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Executive Order no. 138 o ang full devolution o pagbababa ng ilang function ng national government sa local government.

Ito ayon kay Budget Secretary Amenah Pangandaman ay dahil nasa higit 400 na 4th at 5th class municipality pa sa bansa, ang hindi kayang magpatupad ng mga big ticket at high impact projects.

Sinabi ng kalihim, na kahit kasi nabigyan na ng karagdagang budget ang mga local government unit (LGU), iba-iba pa rin ang kakayahan ng mga ito.

Kahit aniya sapat ang manpower ng ilang lokal na pamahalaan, may mga LGU na kulang pa rin ang technical expertise at kapasidad para sa implementasyon ng malalaking programa ng national government.

Ayon sa kalihim, pinatitingnan ni Pangulong Marcos kung ano ang maaaring i-amyenda sa EO, upang ganap na maipatupad ang full devolution pagsapit ng 2024.

Sakali naman aniya na hindi pa talaga kaya ng mga LGU ang full devolution pagsapit ng 2024, maaari naman aniya itong palawigin pa. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us