Nasa 100 percent na ang kahandaan ng Commission on Elections (COMELEC) para sa pagpapatupad ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Oktubre.
Sa briefing ng Laging Handa, sinabi ni COMELEC Spokesperson Rex Laudiangco, na tapos na ang komisyon sa pag-imprenta ng higit 92 million ballots na gagamitin sakaling matuloy ang halalan ngayong taon.
Aniya, ang idadagdag na lamang ng kanilang hanay ay ang mga balota para sa mga bagong botante at mga nag-reactivate na botante.
Ayon pa sa opisyal, halos 100% na rin ng mga balota ang nai-deliver na ng COMELEC.
Isusunod na aniya nila ang pagsasanay sa mga guro na magsisilbing election board sa halalan.
Dahil dito, siniguro ng opisyal na handang-handa na ang bansa sakaling matuloy ang halalan sa Oktubre. | ulat ni Racquel Bayan