Mariing tinutulan ng National Task Force to End the Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ang pagpasa ng House bill 77 o βHuman Rights Defenders Protection Billβ.
Sa isang statement, sinabi ng NTF-ELCAC, na ang napipintong pagpasa ng naturang hakbang ay isang seryoso at mapanganib na banta sa demokrasya ng bansa dahil itinuturing na βHuman rights defendersβ ang mga kriminal, rebelde, terorista at kalaban ng estado.
Ayon sa NTF-ELCAC, sa pagpasa ng naturang hakbang ay epektibong mawawalan ng ngipin ang mga batas kontra sa terorismo tulad ng Anti-Terrorism Act, Anti-Money Laundering Law as amened, at Terrorism Financing Prevention and Suppression Act.
Ayon pa sa NTF-ELCAC, ang isinusulong na hakbang na paglikha ng βHuman Rights Defenders Protection Committeeβ, na binubuo ng mga miyembrong kabilang sa mga grupong kaalyado ng teroristang komunista ay pagsaklaw sa kapangyarihan na iginawad ng 1987 Constitution sa Commission on Human Rights.
Nanawagan ang NTF-ELCAC sa mga mamamayan na itakwil ang HB 77 at himukin ang kanilang mga mambabatas na ibasura ang naturang hakbang. | ulat ni Leo Sarne