????? ???????? ?? ??? ????? ??? ?? ??????? ?? ????????? ?? ??????? ??????? ?? ?? ???? ??????? ???????, ?????????? ?? ??? ???????

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naligo sa sermon ang ilan sa mga miyembro ng Tau Gamma Phi fraternity na sangkot sa pagkasawi ni Adamson University student na si John Matthew Salilig, sa ginawang pagdinig ng Senate Committee on Justice and Human Rights.

Partikular na pinagsabihan ang master initiator ng ginawang hazing na si Daniel Perry alyas Sting.

Pero hindi lang mga taga tau gamma ang nasabon sa hearing kung hindi maging ang pamunuan ng Adamson University.

Nagpaliwanag ang pamunuan ng Adamson, na hindi nila kinikilala ang tau gamma phi bilang registered fraternity.

Wala kasi anila silang kinikilalang kahit anong undergraduate fraternity at tanging mga fraternity lang ng College of Law ang pinapayagan nila.

Pero giit ng mga senador, kahit pa hindi recognized sa unibersidad ay dapat alam at namo-monitor ng pamunuan na may mga estudyante silang sumasali sa fraternity.

Binigyang diin pa ng mga mambabatas, na responsibilidad ng unibersidad na alamin ang mga miyembro at siguruhing walang hazing na ginagawa ang grupo.

Kaugnay nito, isinusulong ni Senador Raffy Tulfo ang amyenda sa Anti- Hazing law, na dapat maisama sa papatawan ng parusang reclusion perpetua ang mga opisyal at administrators ng unibersidad o paaralan, may-ari ng lugar na pagdadausan ng hazing rites, at ang elders ng fraternity o sorority.

Sang-ayon naman si Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa, na kailangan nang dagdagan ng ngipin ang batas kontra hazing. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us