??? ?? ??? ?????? ?? ????????????? ??? ???. ?????? ?? ?? ?????? ??? ??, ??????? ?? ?????????? ?????????? ?? ??? ?????????

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinumpirma ngayong umaga ni Police Lt. Col. Gerard Ace Pelare, tagapagsalita ng Special Investigation Task Group na napatay ng mga awtoridad ang isa sa mga suspek sa pamamaslang kay Negros Oriental Governor Roel Degamo at sa walaong iba pa sa isinagawang hot pursuit operation kagabi sa Bayawan City, Negros Oriental.

Ayon kay Pelare, bandang alas-9:00 kagabi nang matunton ng mga awtoridad ang kinaroroonan ng isa sa mga suspek na nagtatago sa taniman.

Nakatunog aniya ang suspek at pinagbabaril ang paparating na mga awtoridad at doon na nangyari ang palitan ng putok sa pagitan ng dalawang panig.

Ayon pa kay Pelare na malaking tulong sa kanilang ginagawang pagtugis sa mga natitira pang suspek ang mga impormasyong nakuha nila mula sa tatlong suspek na nahuli nila kahapon.

Sa ngayon, patuloy pang inaalam ang pagkakakilanlan ng suspek.

Samantala bandang 1:30 naman kaninang madaling araw, narekober ng mga awtoridad ang mga baril at iba pang gamit na pinaniniwalaang pagmamay-ari rin ng mga suspek.

Ayon kay Pelare, narekober ng mga awtoridad sa Brgy. Cansumalig, Bayawan City ang mga assault riffles, bandoliers, dalawang combat uniforms, tatlong pares ng combat shoes at bullet proof vest.

Pinaniniwalaan ng pulisya na tinago ng mga suspek ang mga matataas na kalibre ng armas na kanilang ginamit at mga short firearms na lamang ang kanilang gamit sa kanilang pagtakas.

Siniguro naman ni Pelare na hindi pa nakalabas ng Negros Oriental ang mga suspek dahil nakakalat ang mga tropa ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) sa lalawigan upang hulihin ang mga ito. | ulat ni Angelie Tajapal |RP1 Cebu

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us