Kinatigan ng Korte Suprema ang kahilingan ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na ilipat sa Maynila ang pagdinig sa kaso ng pagpaslang kay Negros Oriental Governor Roel Degamo.
Ayon kay Supreme Court spokesperson, Atty. Brian Keith Hosala, gaganapin ang pagdinig sa mga kaso ni Degamo sa Manila Regional Trial Court.
Ayon rin kay Court Administrator Raul Villanueva, ang paglipat sa paglilitis ng mga kaso sa pagpatay kay Degamo sa Maynila ay magiging pinakamainam na interes para sa lahat ng mga nasasangkot at makakapagbigay ito ng neutral venue kung saan pwedeng isagawa ng patas at walang kinikilingan.
Sa kasalukuyan, wala pang pinal na araw na ibinigay ang Department of Justice (DOJ) sa paghahain ng kaso ni Degamo. | ulat ni Paula Antolin