Ipinakokonsidera ng Landbank of the Philippines (LBP) at Development Bank of the Philippines (DBP) na maglagay ng price cap sa presyo ng modern jeep.
Sa idinaos na briefing ng House Committee on Transportation, sinabi ni LBP Assistant Vice President Genoroso David, na kahit buhusan ng subsidiya ang nga tsuper para mabayaran ang modern jeep at babaan ang interes ay hindi ito sasapat kung mananatiling mahal ang presyo nito.
“…no matter how much we infuse subsidy, no matter how much low the interest rate we give transport entities, that would be negated if the prices of new PUV units will pick up.” paliwanag ni David.
Aniya, nang kanilang simulang aralin ang viability ng pagpapatupad ng PUV Modernization Program, nasa P1.6 million hanggang P1.8 million lamang ang presyo ng modern jeep.
Ngunit ngayon, ay pumapalo na aniya ang presyo nito ng hanggang P2.8 million pesos, halaga na hindi na kakayanin ng mga driver at operator.
“Based on our initial study when we were involved in the conceptualization of this project, we found that operations of transport entities are to be viable if the cost is within P1.6 million to P1.8 million per unit. But now, the [modern] jeepneyβs cost is P2.3 million to P2.8 million per unit. The viability is now questionable.” saad ni David.
Ayon naman kay DBP Vice President Rustico Noli Cruz nasa P38,000 hanggang P40,000 ang binabayarang amortization kada buwan sa loob ng pitong taon para sa mga bumili ng modern jeep.
Ang Landbank at DBP ang state-owned banks na nagpapautang sa mga tsuper at operator na nais makabii ng bagong jeep bilang pagtalima sa modernization program. | ulat ni Kathleen Jean Forbes