Naglabas ang Landbank of the Philippines ng abiso ukol sa nangyaring aberya sa sevices distruption sa kanilang online banking services kahapon, Marso 6, 2023.
Sa isang pahayag sinabi ng Landbank na patuloy nilang inaayos ang mga technical problem sa online bank transfer at sa kanilang mobile banking app tulad ng iAcess at weAccess.
Dagdag pa ng naturang government bank na patuloy na inaayos ng Bancnet ang naging aberya.
Humihingi naman ng pang-unawa ang Landbank hinggil sa nangyaring insidente. | ulat ni AJ Ignacio