Upang mas mapadali ang mga proseso sa Land Transportation Office (LTO) at maiwasan na ang haba ng pila sa kanilang mga district office, pinag-aaralan na ng LTO ang digitalization ng kanilang mga transaksyon sa kanilang tanggapan.
Sa isang forum, sinabi ni LTO Chief Jose Arturo Tugade na layon ng kanilang mungkahing digitalization na gawing mas madali at mas convenient para sa mga Pilipino ang pag-renew ng kanilang lisensya, pag-rehistro ng sasakyan, at pagbabayad ng violations sa pamamagitan ng online na transaksyon.
Dagdag pa ni Tugade na isa rin sa kanilang nais maiwasan ang kurapsyon sa loob ng LTO.
Kaugnay nito, nagkaroon na ng memorandum of agreement sa pagitan ng LTO at ng Department of Information and Communications Technology sa paggabay nito sa LTO para sa kanilang digitalization platforms. | ulat ni AJ Ignacio