Media literacy, isinusulong na makalakip sa curriculum ng basic at secondary education sa gitna ng pagsisikap ng Marcos administration vs. fake news — PCO

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naipresenta na kapwa sa Mataas at Mababang Kapulungan ng Kongreso ang tungkol sa media literacy.

Pahayag ito ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Cherbett Karen Maralit sa gitna ng minimithing mailakip sa curriculum ng Department of Education (DepEd) ang Media and Information Literacy.

Ayon kay Undersecretary Maralit, ang hakbang ay bahagi ng pagsisikap na gagawin ng Marcos administration upang madetermina kung ano ang reliable at credible sources of information sa gitna na rin ng pagkalat ng fake news.

Desidido aniya ang pamahalaan na mabigyan ng kailangang gabay ang lahat para maunawaan at madetermina kung ano ang hindi totoo at pekeng impormasyon na lumalabas.

Dagdag ni Maralit na kanilang kakailanganin ang tulong ng Media and Information Literacy experts ukol dito at magkakasa aniya sila ng nationwide media literacy campaign simula sa kalagitnaan ng taong ito. | ulat ni Alvin Baltazar

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us